Welcome Guest [Log In] [Register]
DealsFor.me - The best sales, coupons, and discounts for you
Viewing Single Post From: Oplan Wolverine (Hunt for Marwan)
Flipzi
Member Avatar
R.A.T.S.
[ *  *  *  *  *  * ]
TAMA KAYA ANG GINAWA NG SAF NA ISEKRETO?

Anu sa palagay niyo?

- Sa akin lang po ha, hindi naman masama na isekreto ng SAF ang operations kasi baka may hudas sa linya at mapatakas yung huhulihin.

At mali din na i-coordinate sa MILF kasi maski na hiwalay ang BIFF ay magkakamaganak pa rin yan at may tactical alliance ang BIFF-MILF at maging ang ASG.

Ang pagkakamali lang ng SAF ay hindi nila nakuha ang tamang info sa strength at possible action ng MILF na katabi lang.

Dahil wala ding AFP coordination ay siyempre mahihirapan din ang AFP na sumugod.

Wala naman attack helicopter at wala ding artillery ang SAF.

Yun ang risk na sinulong ng SAF.

Pero hindi ko sinasabi na mali ang ginawa ng SAF na secret ops. Kasi HVT yan at kung mas madaming makakaalam lalo na yung may interes na grupo sa hahabuling grupo ay masisira lang ang ops.

SALUDO ako sa tapang ng SAF.

Next time ayusin natin ang plan at bigyan halaga ang variable strength ng kalaban at iba pang factors.

At since wala kayong gaanung strenght (people/hardware) ay hayaan na lang muna sa AFP pag ganyang susugod na sa malaking grupo. Ilagay sa Task Force headed ng 3-star general ang pagtugis sa bombers.

Pwede namang gamitin ang SAF pag minimal ang kalaban.

Dapat mahuli na yung dalawang bombers at iba pa para mabigyan ng justice ang namatay na SAF troopers.


Follow discussion at Armed Forces Of The Philippines AFP facebook group
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1058847140809162&set=gm.10153037031016718&type=1
Edited by Flipzi, Wed Jan 28, 2015 4:09 pm.
Alfred Alexander L. Marasigan
Manila, Philippines
getflipzi@yahoo.com

http://z6.invisionfree.com/flipzi

" Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them!"

" People don't care what we know until they know we care."
Offline Profile Quote Post
Oplan Wolverine (Hunt for Marwan) · Major Battles In the Philippines