Welcome Guest [Log In] [Register]
Viewing Single Post From: Oplan Wolverine (Hunt for Marwan)
Flipzi
Member Avatar
R.A.T.S.
[ *  *  *  *  *  * ]
Posted Image
Former MILF spokesman and now Bangsamoro Transition Council vice chairman Atty. Eid Kabalu Image from: hizb-australia.org


PRESENSYA NI ‘MARWAN’ SA MINDANAO ALAM NG MILF

January 28, 2015

Alam umano ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang presensya sa Mindanao ng teroristang si Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

Ito ang sinabi ngayong araw ni dating MILF spokesman at ngayon ay Bangsamoro Transformation Council Vice Chairman Eid Kabalu.


Sa balitang inilabas ng Philippine Daily Inquirer base sa panayam ng DZIQ kay Kabalu ay sinabi nito na walang ibang dapat sisihin sa bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao kundi ang MILF.

Ayon kay Kabalu, nilabag ng MILF ang Ad Hoc Joint Action Group (Ahjag), isang kasunduan sa pagitan nila at ng gobyerno ng Pilipinas.


Sa ilalim umano ng Ahjag, ay kailangang ipagbigay alam ng MILF sa gobyerno kung mayroon itong impormasyong ukol sa mga teroristang nanatili sa mga lugar na kontrolado nito.

Nakasaad umano sa kasunduan na hindi dapat pumayag ang MILF na maging kanlungan ng mga kriminal kasama na ang mga terorista ang kanilang mga teritoryo.

Aabot sa 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) ang namatay habang 12 iba ang nasugatan matapos nitong makasagupa ang pinagsanib na pwersa ng MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) noong Linggo ng madaling araw.

Una ng sinabi ng MILF na isang misencounter ang naganap dahil hindi umano nakipag-ugnayan sa kanila ang PNP hinggil sa ilulunsad nitong operasyon sa kanilang teritoryo.

Sa kabila nito sinabi ni Kabalu na ang importante sa ngayon ay hindi makaapekto sa emosyon ng magkabilang panig ang nangyari at isulong ang pagpapatuloy ng peace process.

Giit pa ni Kabalu, ang mahalaga sa ngayon ay ang sinseridad ng magkabilang panig na isulong ang usapang pangkapayapaan.

Bago maganap ang bakbakan sa Mamasapano ay patuloy ng pinag-uusapan sa Kongreso ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng sarili nilang gobyerno ang Bangsamoro sa ilalim ng Bangsamoro Basic Law.-DCRCR

https://themanilajourno.wordpress.com/2015/01/28/presensya-ni-marwan-sa-mindanao-alam-ng-milf/
Alfred Alexander L. Marasigan
Manila, Philippines
getflipzi@yahoo.com

http://z6.invisionfree.com/flipzi

" Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them!"

" People don't care what we know until they know we care."
Offline Profile Quote Post
Oplan Wolverine (Hunt for Marwan) · Major Battles In the Philippines