Welcome Guest [Log In] [Register]
DealsFor.me - The best sales, coupons, and discounts for you
Viewing Single Post From: Oplan Wolverine (Hunt for Marwan)
Flipzi
Member Avatar
R.A.T.S.
[ *  *  *  *  *  * ]
Flipzi
Wed Jan 28, 2015 5:28 pm
Posted Image

REACTION TO PNOY'S AND PURISIMA'S INVOLVEMENT ON THIS SAF OPS

Para sa akin ay di naman mabigat na kasalanan ang ginawa ni PNoy at ni Purisima dito. In fact, tama sila.

Una, si Purisima ang may alam sa hunt operation intel sa galaw ni Marwan na nailunsad matagal na. At gaya nga ng sabi ko mahirap na ikalat ang detalye ng operation dahil baka masagap ng mga hudas or mag-leak while on transmission. At hindi naman siya labas sa PNP kungdi on leave lang.

Pangalawa, capable naman ang SAF troops kaya nga natumba yung si Marwan (o look alike man). Kailangan ng night ops kasi cover ng commando ang gabi at expected na lower ang guard ng kalaban.

Ang hindi lang maganda rito ay na-underestimate ng SAF yung maaaring mangyari gaya ng pag-ambush ng BIFF at paghalo ng MILF at wala naman ang SAF na reinforcement plan na matibay at wala sila artillery at attack planes. Wala din sila tropa na malakas sa paligid.

Pero dahil naitsepwera ang AFP ay natali ang kamay ng AFP.

Then again, alam ni DefSec Voltaire Gazmin ang operation.

Ang nakita kong lapses lang dito ay hindi nakabuo ng maayos na command center ang operation. Dapat nanduon sa war room si DefSec Gazmin, Gen. Catapang, kasama ni Purisima at ni SAF Commander.

Tapos ay naka-ready ang artillery at air force pero tsaka lang ibibigay ang detalye kung kailangan na.

Tapos dapat ay pinalakad yung AW109 na may FLIR or Scout Sniper teams (may dalang NV scopes) para magsilbing mata ng Command Center habang nagaganap ang action

..... para maski papalapit pa lang ang kalaban sa mga tropa (na outnumbered nga) ay pwede na isagawa ang air support at artillery fires.

At pagalawin na rin ang armor brigade para sasalubong sa tropa.


TAMA LANG NA HUWAG SABIHAN ANG MILF

Hindi ko sinasabing bawal ang ginawa nila kasi matagal ng hinahanap yang bombers na yan. Tama yung covert ops at tama na hindi sabihan ang MILF kasi may interes sila sa pamamalagi ng bombers sa lugar nila.

At hindi kailangan ng coordination kasi police operation yan laban sa high value target.

Kung ako din ang presidente ay i-risk ko yan peace deal na yan kasi hindi naman nakakatulong ang MILF sa paghanap sa bombers. Katunayan ay MILF pa ang hadlang sa paghanap sa kanila.

Ang masaklap ay marami na nabiktima ang bombers at alam natin na may kasunod pa. Kaya kailangan ng umaksiyon.


FINAL WORD

Tama lang ang ginawa ni PNoy pero nagkulang sa assessment. Kaya next time mas safe kung magtiwala kahit sa AFP Chief para masiguro ang buhay ng mga police forces na gagalaw.

Kailangan din na sabihan ang MILF peace team na huwag na huwag na silang makikialam kapag police operations yan. Othewise, pupulbusin ng AFP ang mga kampo nila.

Hindi pwede maging malambot ang Pangulo ng bansa dito kasi mas mahalaga ang kalagayan ng mamamayan sa gitna ng banta ng bombers ... kaysa sa peace deal na yan.


KASALANAN BA NG PRESIDENTE ANG MASALIMUOT NA ENKWENTRO?

HINDE

... kasi ang presidente ay hindi military strategist o tactician. Nasa kamay ng SAF commanber yan. Kaya maski may go signal man niya o wala, ay walang kasalanan ang Presidente sa pagkamatay ng tropa. Ang trabaho lang ng Presidente ay magsabi na ituloy ang program pero ang military level na planning sa SAF na yan.


Related story;

PNoy admits knowing about Mamasapano operation
By ANDREO CALONZO, GMA NewsJanuary 28, 2015 6:38pm
http://www.gmanetwork.com/news/story/418971/news/nation/pnoy-admits-knowing-about-mamasapano-operation
Edited by Flipzi, Wed Jan 28, 2015 11:30 pm.
Alfred Alexander L. Marasigan
Manila, Philippines
getflipzi@yahoo.com

http://z6.invisionfree.com/flipzi

" Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them!"

" People don't care what we know until they know we care."
Offline Profile Quote Post
Oplan Wolverine (Hunt for Marwan) · Major Battles In the Philippines