| Forum Rules; Please obey and follow the rules. | |
|---|---|
| Tweet Topic Started: Nov 20 2015, 11:05 AM (44 Views) | |
| Paradox | Nov 20 2015, 11:05 AM Post #1 |
|
Administrator
|
MGA DAPAT GAWIN (DO's) 1. English at tagalog lamang ang pwedeng gamitin sa pag-post ng messages sa forums at shoutbox. Maliban na lang sa mga threads na para talaga sa ibang dialects. 2. Kung gagawa ng bagong thread, lalu na yung mga bagong members, siguraduhin na nasa tamang forum o category. At i-double check din ang forum o thread title bago mag-post ng messages. 3. Bago magtanong o mag-request, gamitin muna ang search engine. 4. Maging friendly at irespeto ang lahat ng users ng PCTech World Pinoy. 5. Gumamit lamang ng mga family-friendly o wholesome na salita sa shoutbox at forums. Maaari lamang tayong gumamit ng mga salitang adult-oriented at bitching sa Adult Zone. 6. Sundin ang standards na ginawa ng PCTech World Pinoy Staff (standard settings para sa avatar, signature, profile picture, specific forum rules, reminder, etc.). MGA HINDI DAPAT GAWIN (DONT's) 1. Ang pag-insulto, o anumang matinding pananakit ng damdamin ng ibang tao, kabilang na ang paghamak, pag-harass, pananakot, paninirang-puri, o pag-abuso sa ibang tao o institusyon. 2. Pag-hack, pag-iba o pag-alis ng copyright notices at attributes (maliban na lang kung may permiso ng author o may-ari), pornographic or anumang may kinalaman sa pag-exploit ng mga batang under 18 years old, bestiality, extreme violence, at sinasadyang pag-post ng phishing sites, viruses at malicious softwares. 3. Spamming o pag-post o pag-send ng PM/email ng walang saysay o hindi kinakailangang messages (kabilang na ang pag-post ng isa o dalawang smilies na wala namang kinalaman sa topic), o pag-post ng dalawa o higit pang messages na may parehong nilalaman. 4. Flooding o pagpost ng mga messages sa magkasunod na pagkakataon sa loob lamang ng maikling oras (gamitin ang edit button kung may nais idagdag o baguhin sa post, at multi-quote button naman kung may gustong i-quote na higit sa isang post). 5. Malaswa, immoral, o hindi wastong image, link o salita sa signature, avatar, at profile. 6. Pag-advertise, pag-promote, o pag-post sa forums, shoutbox, signature, profile at PM ng download-related site na nangangailangan pa ng registration. 7. Affiliate o referral link sa shoutbox o posts maliban sa Web Offers forum at user signature. |
![]() |
|
| 1 user reading this topic (1 Guest and 0 Anonymous) | |
![]() ZetaBoards gives you all the tools to create a successful discussion community. Learn More · Sign-up for Free |
|
| « Previous Topic · Rules & Guidelines · Next Topic » |
| Theme: Zeta Original | Track Topic · E-mail Topic |
8:56 AM Jul 11
|
Theme by Sith of outlineforum.com and themeszetaboards.com







8:56 AM Jul 11